Joy Eunice B. Boniol
Eunice Antoinette D. Santiago
Ma'am Beverly Siy
Ang lahat ng bumubuo sa aklatan ng Unibersidad ng Santo Tomas ay
LAYUNIN
- Mag-ambag sa larangan ng kalusugan
- Makapagbigay-kontribusyon sa larangan ng pormal na pagsulat
Tiyak
- Makapagbigay-kontribusyon sa larangan ng pormal na pagsulaTiyak:
Makapagbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga mahahalagang aspeto ng pagtulog sa gabi at sa umaga.
HALAGA
Mahalaga ang pananaliksik sapagkat kung mapapansin ay tila isang
mababaw na paksa lamang ito ngunit kung susuriin ay matutunghayang ito ay
isang kumplikadong usapin. Makakatulong din sa mga kabataang nais bigyang-
pansin ang nakagawiang pagtulog sa gabi. Hinahamon din ng pananaliksik kung
bakit nagkaroon ng kinasanayang oras at haba ng pagtulog.
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS
Batay sa balangkas, ang pananaliksik na ito ay magsisimula sa pagbibigay
depinisyon ng pagtulog ayon sa 1-Lam A.Y 2008-2009 ng Komersiyo ng
Unibersidad ng Santo Tomas. Ngayon, ang pagtulog ay maaaring maganap sa gabi
o sa araw. Mula dito, aalamin ang mga dahilan at epekto ng bawat panahon o oras
ng tulog ayon sa kalusugan, edukasyon at tradisyon.
DALOY NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay may tatlong kabanata. Ang unang kabanata ay ang
panimula. Nakapaloob dito ang sentro ng pag-aaral, na inilalahad kung tungkol
saan ang paksa. Naririto rin ang mga mahahalagang pag-aaral na isinagawa ng
mga ekspertong tao tulad nina Dr. Stephen Amira, Dr. Thomas Scammell, at Dr.
Richard Ferber. Makikita rin dito ang halaga at layunin ng pag-aaral na ito,
konseptuwal na balangkas, metodolohiya o ang proseso ng pananaliksik at ang
saklaw ng pag-aaral.
Ang pangalawang kabanata naman ay mayroong dalawang bahagi: ang
tinatawag ng grupo na small panimula at small katawan. Ang alyas na small
panimula ay tumatalakay sa introduksiyon ng paksa. Samantalang ang alyas na
small katawan ay ang presentasyon ng lahat ng datos na nakalap ng mga
mananaliksik.
Ang pangatlong kabanata naman ay nahahati sa tatlong bahagi: ang
tinatawag ng grupo na small pangwakas, kongklusyon at rekomendasyon. Sa
small pangwakas ipinapakita ang kritikal na pagsusuri sa mga nakuhang datos.
Ang kongklusyon naman ay ang pagpapaliwanag ng mga natutunan, nalaman at
natuklasan sa pag-aaral na ito. At ang rekomendasyon ay ang suhestiyon ng mga
mananaliksik sa mga taong magbabasa ng pag-aaral na ito at ang mga taong may
nais malaman sa paksang ito.
Ang lahat ng datos na nakalap ay papangkat-pangkatin, oobserbahan at
pag-aaralan upang mapatunayan kung tama o mali ang panukalang pahayag ng
grupo.
KABANATA II
Marami sa mga eksperto ang sinubukan nang pagaralan ang pagtulog sa paggamit
ng mga boluntaryo. Dito, sila ay inoobserbahan at isa sa mga mahusay na
ekspertong ito ay si Dr. Thomas Scammell. Ngunit, mula sa mga siyentipikong
pagaaral na natuklasan ng grupo ay wala dito ang naging tiyak o kongkreto upang
sagutin ang mga katanungan ng grupo.
Ayon kay Dr. Philip M. Chua, M.D., isang Pilipinong doktor, ang depinisyon ng
pagtulog ay nasa estado ng pagkawalang-malay ng isang tao kung saan ang tao ay
nagpapahinga. Sa estadong ito, ang utak ay nagiging responsive sa ating internal
stimuli. Ang pagtulog ay inuugnay sa coma. Ang Coma ay isang pagkawalang-
malay kung saan ang tao ay nagpapahinga. Ang pagtulog ay esensyal para sa
normal at maayos na paggalaw ng katawan ng tao. Ito ay isang komplikadong
physiological phenomenon na maging mga siyentista ay hindi maintindihan.
Noon, ang pagtulog daw ay isang passive state. Subalit, ang pagtulog ay kilala
bilang isang prosesong dinamiko at ang ating mga utak ay aktibo habang tayo ay
tulog. Si Miguel Samala, isa sa mga estudyante ng 1-Lam A.Y 2008-2009 na
sumagot ng questionnaire, ay pinili ang pagtulog sa gabi. Ang sabi niya, “Sang-
ayon ako sa pagtulog sa gabi dahil ito ay makakabuti sa katawan.”
Base sa mga nakalap na datos ng laboratoryo ni Dr. Scammell, napagbigyan-alam
na ang pagtulog ay may epekto sa ating pisikal at mental na kalusugan, at ito ay
esensyal para sa ating normal functioning sa lahat ng sistema ng ating katawan,
kasama ang immune system. Ang epekto ng pagtulog sa immune system ay
nagbubunga ng paglaban at makaiwas sa mga sakit. Sa tao, naipakita na ang
metabolic activity ng utak ay nababawasan pagkatapos ng 24 na oras sa ating
paggising.
Para gumana ng maayos ang nervous system ng isang tao, kailangan ng bawat isa
ng pagtulog. Ayon nga sa sinabi ni Gian Magapuro, isa sa mga taga-tugon ng 1-
Lam A.Y 2008-2009, kaya niya mas gusto matulog sa gabi, dahil sa ganito siya
ipinalaki at nasanay. Kahit wala siyang masyadong maisip na madaming epekto
sa hindi pagtulog sa gabi, ang pinaka nararamdaman niyang epekto ay pagkahilo.
Pinatunayan ito ng laboratoryo ng National Institute of Health o NIH na
nagsabing ginagawang drowsy nito ang isang tao at hindi ito makapagconcentrate
na sususunod na araw. Ito ay nagdudulot din ng memory impairment, physical
performance at binabawasan ang abilidad na gumawa ng mathematical
calculations. Ito ay ang mas kilalang tawagin na Sleep Deprivation sa ingles.
Dagdag dito, pag nagpatulog ang sleep deprivation, maaaring magkaroon ang
isang tao ng hallucinations at mood swings.
Ang pagtulog ay may ibat’ ibang estado ng buhay at ang mga sanggol ay may
pinakamaraming oras ng pagtulog sa lahat ng age group. Ang kanilang oras ng
pagtulog ay maaaring ihati sa madaming bahagi. Sa mga bagong panganak na
bata, ang total sleep duration nila sa isang araw ay 14-16 na oras. Sa pinakaunang
buwan ng kanilang pagkabuhay, ang oras ng kanilang pagtulog ay nababawasan;
sa edad na 5-6 na buwan, ang kanilang pagtulog ay nangyayari sa overnight
period mula sa isang idlip sa isang araw.
Sa mga matatanda, ang pagtulog sa 8-8.4 na oras ay masasabing fully restorative.
Sa ibang kultura, ang totalidad ng pagtulog ay hinahati sa overnight sleep period
ng 6-7 na oras at ang pag-idlip ng 1-2 oras. Ang iba ay maaaring kailangan ng
konting tulog katulad ng 5 oras o sa pinakamahaba na 10 oras araw-araw. Ang
kahabaan ng oras ng pagtulog ng isang tao ay depende din kung siya ay may
pangit na kalagayan sa kanyang pagtulog sa mga nakaraang araw. Ang konting
pagtulog ang nagkakaroon ng “sleep debt”. Itong debt ay kailangang i-adjust sa
pamamagitan ng pagtulog ng mahabang oras sa mga susunod na araw. Ang mga
taong natutulog ng konting oras ay may sakit sa judgment at reaction time.
Ang tao na nasasama sa hanay naman ng old age ay natutulog ng magaan at sa
maikling oras lamang habang sila ay tumatanda. Sa mga matandang-matanda na,
ang oras na nagagamit sa stage III at IV ay nababawasang ng 10-55% at ang oras
sa stage II at tumataas ng 5% kumpara sa kabataan, na nagpapakita ng overall na
pagbawas ng total sleep duration at ayon ito kay Dr. Jeanne Duffy.
Ngayon may mga ibang bagay na pwedeng baguhin ang balance ng mga
neurotransmitters at makakaapekto ito sa ating pagtulog at paggising. Ang mga
caffeinated drinks (halimbawa, kape) at mga gamot (halimbawa, diet pills) ay
nagsi-stimulate ng ibang bahagi ng utak at maaaring maging sanhi ng mahirap na
pagtulog. Maraming gamot na prescribed para gumaling ang depresyon suppress
ng REM sleep. Ang mga taong naninigarilyo ay madalas na matulog ng magaan at
nababawasan ang REM sleep nito. Ang mga taong mabigat magyosi ay maaaring
gumising pagkatapos ng 3-4 na oras sa pagtulog dahil sa nicotine withdrawal. Ang
ibang taong may insomnia ay maaaring gumamit ng alcohol. Maaaring ang
alcohol ay makatulong sa magaan na pagtulog ng tao, nakakabawas naman ito sa
kanilang REM sleep at mas malalim at more retorative ang kanilang estado ng
tulog. Bagkos, nilalagay sila sa mas magaan na mga estado ng tulog kung saan
makakagising sila agad.
Ang mga natalang pahayag na isinaad bago dito ay sinang-ayunan naman ng mga
taga-tugon na sina Jadel Mones at Genevive Cabero dahil naniniwala na maaaring
epekto nga ng hindi magandang pagkatulog ang mga sinabing dahilan. Ayon pa sa
kanila mahalaga ang kanilang pagtulog dahil maaaring makaapekto ang hindi
magandang pagtulog sa kanilang edukasyon o pag-aaral.
May mga estudyante naman na nag-sabi na mas masarap matulog sa gabi
dahil ito ang kinagisnan at tamang panahon para magpahinga. Ito ay galing kay
Christine Inere at ito ang kanyang sinabi, “Sang-ayon ako sa pagtulog sa gabi
dahil gabi naman talaga ang tulog na tao. Iyon yung oras ng pahinga dahil
madaming trabaho sa araw.” Isa pang estudyante ang may ka-parehas na ideya ni
Christine. Ito ay galing kay Brian Yaranon at ang sabi niya ay “mas gusto ko ang
pagtulog sa gabi dahil mas masarap matulog pagkatapos ng isang araw ng
nakakapagod na mga gawain.” Ito ay napatunayan ni Doktor Thomas Scammell.
Para sa kanya, may pattern ang ating pagtulog. Sabi dito sa kanyang
siyentipikong pagaaral, mas naibibigay ng oras na gabi ang panahon na kailangan
ng ating katawan. Ito ay napatunayan ng kanyang suriin at eksperimentuhan ang
isang volunteer na nagbigay kaalaman ng malaking impluwensya ng pagtulog sa
oras at kapaligiran nito. Gabi ang naging sagot dito ngunit ito ay kinokontra ng
mga taong natutulog sa umaga ayon naman sa isang surbey na ipinakalap ng USA
at sinuportahan ng libro ni Aserinsky Kleitman.
Kaya dito nagkaroon ng usap-usapan ngunit wala ang naging tiyak at sigurado at
karamihan lamang sa siyensya ang sumang-ayon sa gabi.
Sa teoyolohika naman sinabi na sila ay umaayon sa gabi dahil ito ang araw ng
pagtulog ng Diyos at tayo nga naman ay anak ng Diyos kaya ito ay ating nagaya at
nakagawian ayon na rin sa ting mga ninuno.
Dahil sa tungkulin ng pagtulog ay hindi pa tuluyang alam, ang eksaktong
bilang ng oras ng isang tao na matulog ay walang nakakaalam. Ayon sa ibang tao,
nakakapagtrabaho sila optimally na may 3-5 oras na tulog gabi-gabi,
samantalang ang iba ay umaamin na kinakailangan ng 8 oras ng tulog gabi-gabi o
mas marami pa para makapagtrabaho ng maayos. Ang pagtulog sa gabi ang
naging tiyak para sa kanila at dahil sila din ay nagsaliksik mula dito. Mas
nakararami ang umamin na ang gabi ang panahon ng kanilang pagtulog.
Ngunit hindi ito sinarsarhan ang ideya ng mga taong nagnanais pa rin ng
pagtulog sa umaga. Mula sa apatnapu’t dalawang estudyante ng 1-Lam A.Y 2008-
2009 (42), tatlo lamang ang sumagot ng “Oo” na nais nila matulog sa umaga o
araw at isa dito ay si Daniel Magbag. Nagpahayag siya ng pangsang-ayon dahil
naisip niya na mas magandang binibigay nito sa kalusugan at panahon ng nais na
pagtulog. Dito, ang grupo ay nakakita ng pahayag na tumugma sa sinabi ng
nasabing tagapagtugon. Ito ay mula ulit kay Aserinsky Kleitman at dito inihayag
niyang halimbawa ang naging tradisyon ng mga Amerikano sa pagtulog kung saan
ang nakasanayan nito ay ang pagtulog sa araw. Sa mga kadahilanan na mas
maganda magtrabaho pag gabi, tahimik at mabilis ang paraan ng kalakalan o
paguusap mula doon.
Ngayon, napagalaman ng grupo na kahit ganito ang pananaw ng nasabing tao
ay hindi niya ikinaila na ang tamang panahon ng pagtulog ay gabi. At isa sa
pangunahing dahilan na isinabi niya ay sa haba ng panahon at ganda ng
kapaligiran nito na ibinibigay sa mga tao na mas lalong epektibo sa mga abataan.
Bilang panghuli, maraming artikulo ang naglabasan dito ngunit uulitin ng
grupo na wala ang naging tiyak sa mga eksplenasyon kung bakit. Nagpahayag sila
ng kadahilanan at epekto nito pero napagtanto ng grupo mula sa nakalap na
serbey at datos na mas pinanigan nila ang naging tradisyon at resulta ng
siyentipikong pag-aaral na gabi ang pagtulog. Hindi masama ang pagtulog ng
araw ngunit hindi dapat gawin na kaugalian. Ngayon, Inihayag ng mga datos at
mga estudyante ng 1-Lam A.Y 2008-2009, ang kahalagahan ng pagtulog lalo na sa
kanilang katawan, edukasyon at sa iba pa.
KABANATA III – PANGWAKAS
Base sa mga pananaliksik ng grupo tungkol sa paksa, napansin ng mga
mananaliksik na ang mga pagaaral dito ay masyadong siyentipiko at lahat sila ay
nakatutok sa koneksyon sa katawan. Katawan na gusting-gusto nilang pag-aralan
dahil maraming tao na ang nagtatanong at humihingi ng sagot mula sa mga
pangyayari na napapaloob sa katawan at mismo sila ay nagtataka na din dito.
Ang grupo naman ay sumasang-ayon sa pahayag na ito.
Ang pagtulog sa gabi ay magandang paksa kung paguusapan ngunit konti
lamang sa mga tao ang interesado mula dito at kadalasan nga ay ito ay ang mga
siyentipiko. Ayon kasi sa isang pag-aaral ni Dr. Thomas Scammell, ang mga tao
ngayon ay iniisip na ito ay walang kwentang bagay kung paguukulan ng panahon
dahil ano nga ba naman ang mapapala nila kung ito ay malalaman, katwiran nila.
Nakakalungkot man isipin, ngunit ito ang totoo.
Ngayon, ang pagtulog ay dapat natin pahalagahan dahil dito kumukuha ng
enerhiya para sa araw-araw kahit ito ay mapagabi man o umaga. Hindi kaya ng
katawan ang hindi matulog dahil ito ay magdudulot ng kahinaaan at maaaring
sakit. Ang bawat pagtulog ng tao ay pwedeng maapektuhan ng iba’t ibang klaseng
bagay lalo na sa mga kabataan. Maaring dahil sa paginum ng kape, kapaligiran, at
oras ng pagtulog.
Sa Pilipino, natural ang matulog ayon sa oras ng Pilipino kaya pag ang mga
Pilipino nga ay nagpupunta ng ibang bansa, nagiiba ito. Nahihirapan ang mga ito
na makibayan dito. May pattern na sinusunod ang pagtulog ngunit wala ang
nagsabi ng tiyak na oras. Lahat ng pag-aaral ay nakita na ang gabi ang
pinakamagandang oras at panahon ng pagtulog dahil sa ibinibigay nito ang mga
kinakailangan ng magandang pagtulog para sa ating katawan. Malaki din ang
naging implumensya ng nakaguwian o tradisyon na ito na itinanggap na ng buong
mundo. Ngunit hindi nito isinasara ang ideya ng pagtulog ng ibang tao sa umaga,
iba lang kasi ang pananaw nila mula dito. Ang mga siyentipiko, teoyolohika at
simpleng tao ay umayon dito.
At mula naman sa ikinalat na surbey para sa mga estudyante ng 1Lam A.Y
2008-2009 mula sa Kolehiyo ng Komersiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas, ang
lahat ay sumagot ng maayos at mahusay. Ang mga taga-tugon ay naipaliwanag ng
husto ang mga dahilan kung bakit mas napili nila ang pagtulog sa gabi o sa
umaga. Ang mga impormasyong nakalap ay tunay na nakatulong sa pananaliksik
sapagkat naging detalyado ang kanilang mga opinyon at maliban dito ay
sumangayon sa naging resulta ng mga pananaliksik ang mga pahayag ng mga
taga-tugon dito.
KONKLUSYON
Mula sa pananaliksik at sa mga nakalap na datos, natuklasan na ang
pagtulog sa gabi ay may mga magandang epekto, hindi lamang sa isang
indibidwal, kundi pati sa buong 1Lam A.Y 2008-2009, mula sa Kolehiyo ng
Komersiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas. Napag-alaman din ng grupo na
mayroong malawak na kaalaman ang tao tungkol sa pagtulog. Hindi lamang ito
biglang sumulpot sa ating sarili, kundi ito rin ay may siyentipikong pag-aaral.
Halimbawa na lang sa mga doktor na nagbigay-panahon upang pag-aralan ang
bawat estado at personalidad ng pagtulog sa gabi, tulad nina Dr. Stephen Amira,
Dr. Thomas Scammell, at Dr. Richard Ferber. Hindi lamang iyon, natunghayan na
ang mga kabataan, tulad ng 1Lam A.Y 2008-2009 ng Komersiyo, ay alam ang
kahalagahan, kadahilanan at mga posibleng epekto ng napiling oras o panahon
ng pagtulog. Ngunit ang nakakalungkot dito ay walang tiyak na pag-aaral ukol sa
paksang ito. At may ilan din na walang sapat na oras o panahon sa pagtulog kung
kaya’t sila ay nakakaranas ng mga hindi mabuting epekto mula sa pang-aabusong
ito.
Kung kaya’t mula sa mga nakalap na datos, napatunayang ang panukalang
pahayag ng pananaliksik ay tama at totoo.
REKOMENDASYON
Buhat sa pag-aaral ng grupo, hinihikayat nito hindi lamang ang mga
kabataan, kundi ang lahat, na matulog sa tamang oras upang mapangalagaan ang
ating kalusugan. Ang grupo ay kumakatok sa iba pang mananaliksik na bigyang-
pansin din ang mga, sa unang tingin ay simpleng pag-aaral lamang, ngunit kung
susuriin ay makapagbibigay ng mga bagong kaalaman. Nais din irekomenda ng
grupo na ipagpatuloy pa ang pananaliksik na ito at kung nanaisin ay maaaring
gamiting batayan ang naunang pananaliksik ng grupo.
Sanggunian
http://www.apa.org/topics/whysleep.html
http://www.sleepresearchsociety.org
http://www.emedicinehealth.com/sleep_understanding_the_basics/article_em.htm
H.S. Stuttman, inc. Growing Up with Science Vol. 15. pp. 1360-1362
ganda ng kulay .....good news for job seekers.. want to work online at the comforts of your home ..try this site if your still searching online jobs ...
ReplyDeleteBUILD YOUR CAREER ONLINE WHILE BEING A FREEMAN
Start working at home and visit us at http://www.unemployedpinoys.com